tangna, ang hirap pala ng ganito. dati, parang ang sarap mag stay sa place na di mo inakalang mapupuntahan at magugustuhan mo. i admit it. nag enjoy ako. kasi may mall. may mga bagong damit. may allowance. may pera. walang hindrances sa gimik. maraming kaibigan. ngayon ko lang narealize, sayang lang pala lahat.
salamat. malapit nang dumating yung pasko. makakauwi na ko samen. naaalala ko dati, lagi nalang akong pinipilit na umuwi ni mama or ni papa. sembreak, pasko, or anytime for at least 2-months, pwede na ko makauwi samen. pero andami kong ginagawang dahilan para di makauwi. kasi nga, dito, nagustuhan kong mabuhay nang wala sila, at dahil wala sila kaya gala ako ng gala.
buti naman, nagkaisip na 'ko. masarap pa rin palang makasama yung mama at papa mo, yung pamilya mo sa probinsya. naisip ko lang to nang sawa na ko sa lahat na kayang ibigay ng kakaunti kong allowance. gimik. beer. minsanang pag gym. barkada. lasingang overnight. at maghanap ng kaligayahan sa ibang tao. yung tipong lahat ibubuhos mo na lang sa isang taong "mahal" mo, nang buong puso, nang buong kabaduyan. sayang. naiisip mo lang pala yung mga taong minamahal ka pero hinahayaan mo lang kapag sawa ka nang tanggapin at habulin yung mga bagay na ayaw sa yo.
tangna. miss ko na sina mama ah. tsaka si papa. kahit medyo maingay dahil walo kaming magkakapatid na kahit bato e pinag-aawayan, hindi ko lubos maisip na hahanap-hanapin ko pala yung ingay na yon. ako yung panganay. yung sumunod sa kin e pangalawa (malamang), 2nd year college, gustong maging kapitan ng barko. ang pangatlo at iba pa, highschool at elementary. marami kami. maiingay. tatlo sa isang kama. yung iba, nasa ibang bahay' minsan sa bahay ng lola ko nakahiga, or ako pag umuuwi samen, sa bahay ng pinsan ko o di kaya, sa palaisdaan, sinasamahan ko yung uncle ko na may bahay malapit sa ilog. tapos, pag umaga naman, mga alas singko, uuwi papunta samen, magjajaging. at kapag medyo hapon na at walang ginagawa, minsan, nagyayaya sa barkada or pinsan para magvolleyball, or di kaya, gumimik sa boracay. text na lang ke papa pag nandun na para pag wala na silang magawa dahil anong oras na, papayagan na lang na doon magsestay.
salamat. malapit na din naman yung pasko e. makakauwi na ko. makikiss ko na si mama, tsaka si papa. tsaka yung lolo ko na parati na lang naghihintay at nagtatanong kung kelan ako pwedeng makakauwi. buti pa sila, lagi akong iniisip. ako, parang lagi nalang walang pakialam.