Entries for September, 2004

September 4th, 2004

revived

for now,
i am like a turtle losing its feet.

struggling
trying to forget the lost hours

and pieces of you.

i may crawl so slow
yet i've already gone too far

no tears repressed.
one day is enough.

all is said and done.
Posted by bluemango at 10:46 AM | nakitagay

September 5th, 2004

i like the hell i am

thank you for leaving me.

it gave me the option to love myself

---or live like the hell i was.

i missed you now.

but missing you just makes me feel stupid.

thank you for loving him more than i anyway.
i'm stronger now than i thought i am.
Posted by bluemango at 03:23 PM | 1 makitagay

September 8th, 2004

palasyo

hindi ka na malaya ngayon
pero ramdam ko kung gaano ka kasaya ngayon
sa hawlang kapwa n'yo binuo.

kontento ka.

samantalang ako, naiwang tulala.
hindi na kayang maghintay.
naghihinayang.

ikinukulong ang sarili
sa huwad na rehas na alaala mo lang ang bumuo.

sana,
nalaman mo muna kung gaano kita kamahal.

upang kahit kulungin man kita sa mga braso ko

pakpak ko pa rin ang hahatid sa 'yo

---sa pangarap mong palasyo.
Posted by bluemango at 04:06 PM | 4 makitagay

September 12th, 2004

ganyan

kaya kitang kalimutan
kaya kong kimkimin ang luha
sa tuwing nakikita kitang kasama ka n'ya.
nahahalata mo bang lumalayo ako
kapag nakita ko kayong dalawang magkasama?

masakit.
pangarap ko rin kasing mahawakan ka ng ganyan
ganyang-ganyan sa pagkakahawak mo sa kanya.

sana, bukas
makakatagpo na rin ako
ng babaeng kagaya mo.
Posted by bluemango at 02:53 PM | 2 makitagay

September 14th, 2004

isinumpa

hindi pala lahat ng nakikita mo sa salamin ay totoo.
humarap ako kanina sa salamin
inayos ng daliri ang buhok
pinahid ang kaunting kulangot na nakasabit sa pinto ng ilong
ngumiti, sumimangot, tumagilid, tinaas ang kilay;
astig.
tama si mama.
magkamukha kami.
hawig nga lang ako, kalahati ng kay papa.
pero bakit kaming tatlo lang ata ang nakakapansin?

nagsasabi ba ng totoo itong salamin?
nakangiti ako ngayon.
nakangiti habang hawak-hawak ang salamin.
anlaki pala ng ipinagbago ko.
lalo na nang minsang nawala ka.

naalala kita.
naluha na naman ako.
"akala ko ba, tapos na?"

nilapag ko ang salamin sa mesa.
pinahid ang luha sa mata.

tama nga sila.
hindi ko kailanman makikita ang aking kabuuan sa salamin.
hindi lahat ay makikita ko sa salamin.

minsan, kailangan ko itong itabi, itapon, at basagin
upang di ko na makita
ang mukhang iyong isinumpa.
Posted by bluemango at 03:26 PM | 5 makitagay

September 16th, 2004

abandoned

i just
woke up one
day knowing that
i was not really lost...

and had never been lost.

how can i be lost
if no one had ever tried to find me?
Posted by bluemango at 02:41 PM | 11 makitagay

September 19th, 2004

whoah

sometimes,
you have to cry to be a man.
Posted by bluemango at 10:02 AM | 5 makitagay

September 21st, 2004

langit

noon, nag-usap tayo
tinanong mo 'ko kung saan nga ba talaga ang langit
na gusto kong pagdalhan sa 'yo

habang nakatingin ka sa taas
pisil ko ang iyong palad
nakangiti
ramdam ang init ng luha
na dumadaloy sa 'yong pisngi

sabi mo, "doon. sana, doon mo ko dadalhin"
habang tinuturo ang buwang
nakahimlay sa dibdib ng langit

"pero, hindi kita kayang dalhin sa langit,
wala tayong pamasahe,
wala akong pansagwan, o kaya'y pakpak na maibibigay sa 'yo"

napaigtad ka.
"akala ko ba..."

"shhh. nandito na tayo."
Posted by bluemango at 05:02 AM | 2 makitagay

*

hindi ko lubos maisip
kung pa'no mo papahirin
ang luha kong ikaw mismo ang dahilan.
Posted by bluemango at 03:06 PM | 1 makitagay

September 26th, 2004

may alat

naitanong mo na ba minsan
kung saan napupunta ang mga luha kong para sa 'yo?
marahil nga, hindi mo alam
dahil ako mismo, hindi ko rin malaman
kung saan nga ba dumaloy
saan natuyo,
at saan tumigil.

basta ang alam ko
dumaloy yun, pababa sa gilid ng aking ilong
habang tinutunton ang labi kong pilit mang tinitikom
ay nalasahan pa rin

ang alat na hatid
nang minsan kitang pinangarap.
Posted by bluemango at 09:46 AM | 2 makitagay

September 29th, 2004

plastik

may plastik na plastik
plastik na hindi nababasag sa paningin ng iba.
may plastik na ginagamit ng iba para pagtaguan
ng kung anumang bagay na ayaw na nilang makita
at makita pa ng iba.
pero maraming plastik. mayroong bilog ang butas,
may malambot, may matigas, may madulas, may maunat.

pero anumang klaseng plastik ito,
hindi mo alam kung ano talaga ang nasa loob.
maaaring condom, balat ng itlog, panis na kanin,
uhog, o bulaklak ng rosas na ayaw mong iparamdam
dahil baka lang masugatan ang iba.

ako, plastik din ako
na kayang ring itago ang kaplastikan ng iba.
Posted by bluemango at 02:11 PM | nakitagay

cause you don't have to hide

you don't have to hide from me.

yes, i loved you.
but loving you seems the only wrong thing
i can do now.

just teach me
the wrong way to go

so i can't see
the way you're going

just to be with him.
Posted by bluemango at 03:12 PM | nakitagay